PAYASO

isang ngiti mo lang…
masaya na ako.
mapatawa lang kita
kumpleto na ang araw ko!

kung minsa’y mukha na akong gago
minsa’y ako na ay natutuliro
hindi alam kung ano ang gagawin
paano ba kita patatawanin?

minsan paulit-ulit
pasensiya na kung makulit
ayoko kasi makita kang malungkot
kaya pilit kong tinatanggal ang mukha mong nakasimangot

mukha na ba akong tanga?
sobra na bang kahiya-hiya?
gusto mo na ba akong patigilin?
o gusto mo nang umalis at hindi na ako pansinin?

hayyy… ang hirap naman nito!
pero ayos lang kasi heto ang gusto ko.
wala akong dapat ireklamo.
basta ba masaya ka, ok na ako!

hangad ko lang naman ay ang mapasaya ka…
at ang makita kang tumatawa…
heto kasi ang aking trabaho…
bilang isang… PAYASO…

~ by PRiSMz on May 3, 2009.

Leave a Reply