problema

kaibigan…
ako ay tinamaan…
nanaman!

malamang sabihin mo
hindi na ako natuto
para na akong gago
hindi na ako nagbago

ano ang magagawa ko?
mahal ko ang tao.
ano ang sasabihin mo?
alam ko na… “e di pigilan mo ang nararamdaman mo!”

pero tol, iba to!
mas kumplikado
hindi ko alam kung pano ko ikukuwento
pero tangina… parang ang labo!

sa ngayon, hindi pa niya alam na may alam ako
pero ewan ko lang kung balak niya ring sabihin ang totoo
hindi ko pa naman alam ang buong kwento
kaya ayaw ko rin magsabi sa kung kanino
kahit nga sayo, hindi ko masabi ng deretso

bakit pa ba kasi ako nagpatihulog
alam ko naman na mahirap ang sitwasyon
ako rin sa huli ang mabubugbog
waaahhh hindi ko alam!!! hindi pa kumpleto ang mga impormasyon!!!

nahahalata mo na ba kung gaano kagulo?
hindi ko pa naikukuwento ang lahat pero parang wala nang direksyon ang mundo
hindi ko alam kung kailangan ko ba problemahin
pero minsan kasi… hindi ko maiwasang isipin.

eto ang dasal ko sa amin
di ko nga alam kung ako ba ay Kanyang patatawarin
“Diyos ko, pwede Niyo po ba itong palagpasin?
susubukan ko na ito na ang huli kong kasalanan at pilit kong kakayanin…
O Panginoon, sana huwag Niyo po siyang hayaang umalis…
Mahal ko po siya at hindi ko matitiis.
Diyos ko, ako po sana ay Inyong patawarin…
Gagawin ko po ang lahat para hindi siya magalala sa akin.”
ayos lang ba ang aking dinadalangin?
ano pa kaya ang puwede kong gawin?

malamang magtataka ka… kung ano itong kasalanan na ito…
ano ang iniisip mo?
heto… bigyan kita ng palaisipan…
tingnan mo ang Sampung Utos at tandaan mo ang araw ng aking kapanganakan.

may idea ka na ba?
tungkol sa aking problema?
kung mayroon man…
sa susunod nalang natin ito pagusapan.

ayaw ko pa talaga magkwento sayo
saka nalang siguro
kung nakapagusap na kami ng seryoso
ang hirap kasi ng ganito
parang tinutuldukan mo na ang kwento
kahit hindi mo pa alam kung paano ito tumakbo

wag mo siyang sisihin o pagbintangan
ako ata ay nagtatanga tangahan
wala namang may kasalanan
lahat ng to, walang may kagustuhan
nangyari lang ang dapat mangyari
magiging maayos din naman ang lahat sa bandang huli
ako lang ata ang gumagawa ng sarili kong problema…
ewan ko ba.. para na akong tanga
hindi ko alam kung ano na ang aking ginagawa
natutulala nalang ako at namumutla
sana walang makahalata
atin atin nalang sana
kasi hindi naman kailangan pang malaman ng iba

sana huwag mo muna siya husgahan
unang una..dahil walang sino man ang may karapatan.
dahil kahit alam ng tao ang katotohanan
tangina! hindi sila Diyos para siya’y pagsabihan!

mga taong hindi mo alam kung tunay na kaibigan
kung makaisip sa kapwa parang malinis pa sa puting kapaligiran
kahit mga paring nagsesermon sa misa
kung makapagsalita parang kala mo wala silang maling nagagawa
tao rin naman sila at nagkakamali rin
sana naman ay maging ehemplo sila para sila ay sundin

pero halata namang kung magsalita…
parang hindi nila pinapahayag ang mabuting balita.
masasakit sila bumitaw sa mga biktima
kasi parang sila ay kinokondena
ito ba ay tama???
kaya nakakawalang gana minsan magsimba!
mga paring kala mo’y tutulungan ka umakyat sa langit…
pero ang totoo.. ang mga nagkasala ay naiipit!
nakakasawa na…
mga ibang tao talaga ay masyadong mapanghusga!
hindi kayo Diyos! mga tangina!
mga walang mga karapatan!
masyado kayong naglilinis linisan!

pasensiya na at nawala na tayo sa usapan
nadala ako ng emosyon at hindi ko na napigilan
sobrang umikot na kasi ung mundo ko sakanya
at lahat baka lahat na ng kabaliwan ay magagawa ko na

pinupuntahan ko siya sa opisina
kahit na mahirap at mukha akong tanga.
inaantay ko lang kasi siya makasakay ng taxi
kaya pag nakakasama ko siya, wala pang trenta minuto… oh diba? ang iksi!

muntik pa ako masubsob sa eskalator kakamadali
para lang makita siya at mag baka sakali
baka kasi mayaya ko kumain para makapagusap kahit sandali
at malaman ko ang lahat para wala nang ikinukubli

mahigit kalahating oras ang layo ko sa opisina niya
pero pinilit ko nun takbuhin ang madulas na kalsada
makasakay lang kagad sa tren
at abutin siya kasi baka ako makarating dun ng ten

badtrip! ano ang gagawin ko?!
malamang sabihin mo… “aba! malay ko!”
oo nga naman.. kasi hindi pa ako nagkukuwento.
kulang nalang sigawan ko sarili ko ng tarantado.

masarap masaktan
marami kang matututunan
kaso tanga ka na
kung inulit mo pa
pero ewan ko.. inulit ko ba?
hindi ko na kasi ata maalala…

gusto kong umiyak!
at tumawag ng uwak!
tara! inom na tayo ng alak!
tangina! ang saya ng buhay ko!
seryoso…
masaya to!
kaso kung mahina lang ako…
malamang… matagal na akong wala dito!

ang hirap ng ganito
nawawala ka na sa sarili mo
parang wala ka nang pakealam sa nangyayari sayo
kasi… siya na ang mundong iniikutan mo!

hahahahaha ayos ba tong ginawa ko?
hindi ko alam kung para sayo ito.
o kung para sakin lang talaga?
kasi sobra na akong natatanga.
o para sakanya talaga tong tula?
kasi siya ang dahilan kung bakit ako nakapaglathala.

hayyy… hanggang dito nalang muna.
kasi ako ay may ginagawa pa!
naantala na ang aking trabaho
pero ok lang… minsan minsan lang naman ganito!

Solid na pagkakaibigan,
walang kalimutan,
walang iwanan,
sama-sama sa lahat… pati na sa banatan!

~ by PRiSMz on May 2, 2009.

Leave a Reply