ano ba talaga?
ang hirap bitawan ang isang tao
lalo na kung natutunan mo na siyang mahalin
hindi mo alam kung paano mo bibitawan
ni hindi mo nga alam kung paano mo sisimulan
parang mayroon na nga akong ibang gusto
pero pangalan parin niya ang lumalabas sa utak ko
masyado na ako napapalapit sa isa
pero nasasaktan pa rin ako sa nauna
ganito ba talaga pag ikaw ay napamahal?
parang lagi nalang ako nauutal
hindi ko naman talaga siya gusto nung simula
ewan ko ba kung bakit ako bigla rin napatula
english nga sana ang gagawin ko
pero nahirapan ako
o eh ano ngayon?
ano ba kasi ang meron?
hindi ko siya mapakawalan
iniisip ko kung hindi ngayon, kailan?
hindi ko rin naman kasi malaman
ako ba’y mahal din niya talaga? ewan!
yun kasi ang mahirap sa babae
hindi mo alam kung ano ang gusto mangyare
sinusubukan ka ba talaga?
o nagpaparinig na.
kaya minsan hindi mo masabi
para kang aso na hindi matae
walang magawa kundi magantay
hanggang sa ikaw nalang ay maratay
ano ba ang kailangan kong sabihin sa kanya?
eh kung sabihin ko ulit sa kanya na mahal ko siya
sabihan naman nya, ako’y nagdadrama
ano ba talaga?
oo napamahal na ako
kaya nga hindi ko alam ngayon kung mukha na ba akong gago
umaasa… nagaantay…
taena… kailangan ba, ako muna ay mamatay?
iiyak kaya siya kung nakita niya ako na nakahandusay?
lalapit ba siya para sampalin ako?
para lang malaman kung buhay pa ako?
o pipilitin kaya niyang ibangon ako at ilagay ang ulo ko sa braso niya?
at tingnan kung ako’y humihinga pa?
bakit ba ganito ako magisip?
o siguro dahil sa ngayon.. eto lang ang aking trip?
pero… mahalaga kaya ako sa kanya?
o ako lang ay lubusan lang umaasa?
ano ba talaga?
kasi naman…. bakit ba kailangan magkaganito?
totoo naman ako magmahal ng tao
seryoso din naman ako
bakit kailangan mauwi sa pagkalito?
naguguluhan na ako!
ano ba talaga?
mahal nga talaga kita!
eh ako? mahal mo ba?
malamang kung mabasa mo eto…
sasabihin mo nanaman sakin… ANG DRAMA!
waaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!
taena!
ano ba talaga?
gusto ko nang makawala..
pero di ko magawa!
ako ay nalilito naaaaaa!!!!
ano bang gusto mong gawin ko?
para lang mapaniwala ka na eto’y totoo
ipagsigawan ko sa tao?
bakit hindi…?! maniwala ka lang… ok na ako!
para na akong tanga
paulit ulit.. parang sirang plaka
ano ba talaga?
mahal kita! ayaw mo ba maniwala?

“minamahal kita.. bat di ka maniwala… anong kailang kong gawin upang seryosohin mo..”
-Chito, Parokya ni Edgar
mhaezthro said this on December 24, 2008 at 18:33 |