sentimyento ng isang kaibigan

uso na nga ata talaga ang mga litrato ngayon
hindi tulad noong unang panahon
kailangan mo muna ipadevelop bago mo masulyapan
kasalukuyan, ito’y hindi na kinakailangan

ito ang sentimyento ng aking kaibigan
na may kasintahan
pero napamahal sa larawan
sana’y hindi siya maguluhan

ang tao sa litrato na pangkaraniwang pinagmamasdan
kala mo hindi totoo at sa panaginip lang mahahagkan
parang imposibleng makilala, makausap o kahit man lang kulitin
pero paano kung makita mo siya sa personal… ikaw ba kaya’y papansinin?
tila’y pangarap nalang talaga kung tutuusin.
kaya ang litrato nalang niya ang maaaring mahalin.

kaso nung minsan… sa isang mensahe, siya ay sumagot!
kasiyahan ay biglang bumalot
sa isang taong sobra nang nababagot
kaya ngayon siya’y hindi na malungkot

buti nalang aking naalala
na may pagasa pa na makilala
ang tao na aming iniidolo
sa isang pagtitipon kailangan lang pala naming dumalo
kaso malabo makita sa personal
kasi ang Mhaezthro ay nasa malayong lugar at ang paguwi ay sobra pang matagal.

‘yahoo!!!’ ang sigaw namin!
para bang droga kung patuloy naming iisipin!
yehey! at bilang nalang sa daliri ang araw
sana’y Sabado na para siya ay aking madalaw

nabuhayan ang aming loob
dahil ang litrato na aming nasisilip
ay parang isa lang panaginip
pero totoo pala siya
kaya kami ay ubod ng saya

parang mga batang bibigyan ng bagong laruan
na para bang makikipagaway kung hindi napagbigyan
sabik na sabik na sa araw ng pagtitipon
sana ang pangako ay hindi sa lupa maibaon

litrato lang ang kanyang hinihiling
gagawin ang lahat kahit sa kalsada’y gumiling
matupad lang ang pangarap na makuha ang litrato
na galing sa kanya mismo
at may bonus pang dedikasyon… “para sayo Mhaezthro!”

~ by PRiSMz on June 8, 2008.

2 Responses to “sentimyento ng isang kaibigan”

  1. astiiggg…. :worships:

  2. heheh thanks! =D

Leave a Reply